11.07.2005

NOVEMBER RAIN

Ang sabi nila, uulan daw bukas. Ok fine! Huwag lang mababasa ang aking paa. Sobrang hate ko yong mababasa ang paa ko lalo naman ang mga talsik sa hita ko. Kesehodang umaraw sa tanghali, ang aking knee-high boots ang bestfriend ko sa mga rainy days. Ako pa naman ay isa sa mga taong hindi marunong maglakad sa putikan at sa ulan. Kahit anong effort ang gawin ko, talagang magkakaroon ako ng talsik sa hita ko--mga 100 sila--at mababasa ang mga daliri ko sa paa. Okay lang magtampisaw sa ulan kung 4 years old ako, di ba? Pero, naman, sa tanda kong ito, dapat naman marunong na akong maglakad pag umuulan. Pero, hindi. Maraming salamat sa kung sinuman ang nag-imbento ng mahiwagang knee-high boots. Noon, nong ako ay walang abilidad sa buhay, lagi akong merong tissue paper sa bag o sa bulsa para punasan ang mga talsik sa hita ko. At kung inabutan ako ng ulan, nilalakad ko ang aking leather sandals. Maagnas siya kung gusto niya pero hindi ako magpapakametikulosa sa pag-iingat ng sandals ko para maging cause ng aking pagkatibo, no? Sapatos lang yon, madaling palitan. Pero pag natetano ako, ano ba naman yong nakaamputate ang isang hita ko, di ba? Buong Safeguard lang ang katapat ng paa ko.

Kahit sabihing meron kang kotse, hindi mo pa rin maiiwasang mabasa ng ulan. Namiss ko tuloy iyong mga golf umbrella ni Daddy. Tipong apat na kayo, kaya pa rin payungan ng mahiwagang golf umbrella. Galing nga e. At syempre, pag umuulan, mahirap humanap ng yosi area. Tamang siksikan sa gilid ng gate...hehehehe.

Pero, sino ba naman ako para magreklamo? Hindi naman umuulan araw-araw. Actually, once in a blue moon nga lang ang ulan dito e. Tamang trip-trip lang baga. Pero, since nag-uumpisa nang lumamig, syempre, mega-on ang heater at sarado mga bintana.

Basta, ang mahalaga, meron akong mga knee-high boots, umulan man hanggang Pasko. harinawa'y maisuot ko silang lahat this season para naman hindi magtampo iyong ibang nasa mga kahon pa...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home