PURPLE RAIN
Balita ko, tagbagyo sa Maynila. Panahon ba ng ulan? Di bale, matitibay naman ang mga Pinoy e. Hindi kayang buwagin ng kahit anong bagyo ang mga bahay. Tayo pa? Ano sinabi ng mga taga-New Orleans at Pakistan? Malagim ang mga nangyayari sa iba't-ibang lugar sa mundo. Parang gusto kong tumawag sa taas. Hindi ako masyadong dikit sa Bosing e. Pinapamahala ko na yon sa mga nakapalibot sa akin. Sila na lang ang hahayaan kong magdasal ng magdasal. Kapag nakisali pa ako, baka matulig tenga ng Diyos. Tama na iyong milyong-milyong taong tumatawag sa Kanya. Alam ko naman, nababasa Niya ang utak ko pati puso ko. Ayos na ako sa ganong relasyon. Para hindi masyadong maraming expectations.
Taglamig na dito. Mainit pa rin ng konti sa araw pero sa hapon, malamig na. Hindi naman nagkakasnow dito(kaya nga Mama Bing, pwede ba magpaFedex ng konti galing dyan?). Ulan nga, napakadalang, snow pa? Wishing well! Pero sige pa rin ang benta ng mga tindahan ng mga fur coats! Kailan ko kaya maisusuot yong aking super FURRY coat nang hindi pagtitinginan dito? Nako, mga tao nga naman. Ilalabas ko na naman ang aking mga knee-high vuts at mga tertelnek sweaters. Sabi nila, apat ang season. Sa aking kalugaran, nako, dalawa lang. Tag-init at taglamig. Ewan ko sa ibang tao kung ano mga pinagsasabi nila. Punong-puno na ang aking mga aparador ng mga damit. Maryosep! Alangan namang ipagtatapon ko mga damit ko na isang suot pa lang. Kapag nalipasan ng season e di itabi para sa susunod na taon. Sayang naman ang aking effort sa pagshashopping nong mga gamit ko, no? Pwera na lang siyempre ang mga laos na styles. Nilalagay ko mga iyon sa isang black plastic bag at dinadala ko sa donation center para makinabang naman ang ibang katauhan. Hindi man sila kamahalan, kagandahan naman sila. Hindi ako nagpapaluma o nagpapakupas ng damit kaya siguro naman, sumasaya ang mga nagmamana ng aking mga gamit. Huwag pag-usapan ang sapatos dahil kahit isang suotan pa lang, sa kapatid ko ang takbo ng aking mga shuses. Kasingpaa ko kasi yon e.
Ang sabi ng mga henyo sa style, purple daw ang lulutang this season. Kung tinapon ko pala ang aking suede purple purse e di bibili pa ako ng bago? Buti na lang, sinave ko ang aking mga purple sweaters na may mga tag pa dahil hindi ko nausot last year. Ay, panalo. E di nakatipid pa ako kais hindi ako dadayo sa mga sale chuva kasi meron na ako ng aking mga kailangan. Kuntetnto na ako sa mga meron ako ngayon. Unless me lumabas na bagong style ng vuts o sweater na mamagnetin ang aking wallet sa pagbili...
Malapit na ang mga super love kong mga okasyon. Trick or treating na. Thanksgiving na. Pasko na. Bagong Taon na. At birthday na namin ni paboritong anak Luis. Eto ang aking season. Hindi na siya winter season. Shala season na siya!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home