GET IN MY CAR
Ang sama na talaga ng mundo. Heto pa ang isang trahedya sa buhay ng asawa ko. Nacarjack kagabi ang kotse niya. As usual, tinutukan na naman siya ng baril at kinuha ang kotse niya. Sandamukal na pares ng mga basketball shoes at sandamakmak na mga gamit ang nasa kotse. Itinakbo na lang ng ganon. Ayokong magcomment dahil wala akong magandang masasabi. Nakikismpatya ako sa malas na nangyari sa asawa ko pero, parang hindi siya natuto sa mga nangyari sa kanya noong isang linggo. Sabado lang nangyari sa kanya iyong panghohold up. Tapos, eto ngayon, wala na siyang kotse, lugi pa siya ng todo-todo sa mga sapatos na kakabili lang niya. Bad luck comes in threes. Eto na ba ang huli sa serye ng kamalasan? Sabi ng mga tao, ipagpasalamat ko na lang na walang nangyari sa asawa ko. Pero, paano ka makakalma kung iyong taong involved ang siya mismong sumusuong sa gyera? Tsk tsk tsk...
Salamat dahil walang nangyari sa asawa ko. Pero, lahat ng ito, karma. Maraming tanong at maraming dahilan kung bakit nangyari ang mga ito sa kanya. Ang nakakairita lang, kapag may nangyari sa akin at sa anak ko dahil sa mga kabobohan ng asawa ko. Karma nga di ba? Kadalasan, hindi iyong tao mismo ang mamalasin. Di bale sana kung siya lang ang babalikan ng gulong ng palad. Wala nang katahimikan...mentras nananahimik ka, mentras ginugulo ng mga tao ang buhay mo. Punyetang buhay ito...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home