9.23.2005

THESE BOOTS ARE MADE FOR WALKING

Uso na naman ang boots! Kailangan na namang maghalukay ng mga kahon para mailabas na ang mga VUTS. Nagpipiyesta na naman ang aking mga daliri sa paa dahil hindi na sila masasaktan kapag natisod ako o napatid o nadulas. Well-protected na sila hanggang March.

Lahat naman yata ng kikay na tulad ko, meron kahit isang pares ng boots. Meron akong malaking portrait sa bahay namin, kuha noong ako ay 2 o 3 years old. Nakaboots na ako! Ang patawaring sapatos ay puti at me feathers na pula sa top part. Fashionista, neng! Malay ko bang iyon ang simula ng aking pagiging makikay? Sinundan yon ng picture noong nagmuse ako at pumarada sa kahabaan ng McArthur Highway bilang Ms. USA. Nakaboots na naman ako at! Ang aking kamedyasan ay parang candy cane--red and white stripes(mahanap nga itong picture na ito).

Naging taghirap na ako noong ako ay nag-College. Tumagal ata ng isang taon ang isang pares ng sapatos sa akin. At ang Dr. Marten's na suot ko(ready lagi in case may humalang sa daan ko) ay pamana pa yata ng kapatid ko. Basta, ang alam ko, hindi ako ang binilhan noon. Nagkataon lang yata na ako lang ang nagtyagang magsuot nong napakabigat na sapatos na iyon. Dalawang taon ko yatang gamit yon, o baka mas matagal pa sa akala ko. Lumapat na nga ang paa ko sa Dakmartens na yon e.

Bago ko nilisan ang aking bansang sinilangan, tatlong pares ng boots ang aking pag-aari. Ang aking dakmartens, isang pares galing ng Mendrez at isang pares na walang tatak! Iniwan ko silang lahat sa pag-iingat ng kapatid ko. Sabi ko nga, itapon na ng nanay ko mga gamit ko doon e.

Anyway, panahon na nga ng boots! Naghalukay na ako ng aking baul of shoes. Tagumpay! Nahagilap ko ang aking mga well-loved boots! Syempre, ang tatlo lang ang kulay ng mga boots ko--black, brown and tan. Meron akong dalawang pares ng boots na pangmaong. Magkapareho ng style pero magkaiba ng kulay. Syempre, meron pagn mga nakasingit sa kahon--tatlong pares pa na hindi nagkaroon ng publicity last year. At syempre, ang aking mga KNEE HIGH BOOTS. Ang aking pinakaunang knee high boots ay pinagretire ko na. Hindi na maganda ang porma at medyo hindi ko trip ang sukat. Ang aking favorite pairs, ang aking tan slouch boots, ang aking dalawang black go-go-boots at ang aking brown suede boots. Sila ang apat na maria ng aking koleksyon. Sa sulok ng aking silid, merong dalawang kahon ng knee high boots. Binili ko last year na hindi rin nabigyan ng spotlight. Malamang, maisusuot ko na sila this year, kung hindi papapel ang aking mga pumps. Ibang istorya pa iyon. At ang may kasalanan ay si Abby...next time na ang kwento ng mga high heels!

Basta, excited na ako. Maihanda na nga ang aking mga stockings! Nakakaloka!!!

1 Comments:

At 4:49 PM, Blogger Lizzz said...

na-miss ko tuloy yung bootz ko! :( Next year ko pa sya masusuot...

 

Post a Comment

<< Home