GET RICH OR DIE TRYIN'
Napakarami talagang demonyo dito sa mundo. Hindi lang tatlo, minsan, bawat liko mo, merong nakaabang na taong may sungay. Galit na galit ako ngayon sa mga hayop na ito. Ilang taon na kaming nagpapakahirap at nagtyatyagang makaipon para makabili ng bahay at magkaroon naman ng pera sa bangko. Lahat na yata ng raket, pinasok na namin para lang makuha namin ang aming mga inaasam.
Pero, kung kailan ka nakakaungos ng konti, tsaka magsisidating ang mga malas. Iisa-isahin ko nga lahat ng kamalasan na gawa ng katangahan ng ibang tao para naman maging babala sa mga kaibigan kong nagbabasa nito.
Ang bagyo, kahit iwasan mo, dadating at dadating sa buhay mo. Ilang buwan na akong walang trabaho. Ilang buwan na rin kaming gumagamit ng pera na inipon namin sa bangko. Sumugal kami ng malaking pera para sa ikagaganda ng credit score ng asawa kong sinira ng demonyita niyang anak. Sumugal kami ng malaking pera sa pag-import ng sapatos sa China. Sumugal din kami ng pera sa maraming bagay na hindi namin alam kung may halaga pagdating ng araw o mababasura lang.
Bumilis ang dating ng pera. Salamat sa mga chekwang nagpapadala ng mga sapatos sa amin na kinakahon ko para maibenta sa mga katauhang may pera. Sabi nila, bad luck or good luck comes in threes. Nagbibilang na ako...
Recently, kulang ng apat na pares ng sapatos ang dumating na order sa amin. Magaling silang magremit ng libo-libong dolyar pero para sa apat na pares, hindi sila makagalaw? Laglag sila at nakakita kami ng mga professional kausap--detlyado lahat ng transaksyon. Tapos, noong isang araw, may nagbayad sa amin ng tatlong pekeng $100 bills. The nerve!!! Galit na galit kami pero, saan mo hahabulin iyong mga taong nagbayad noon? Meron lang kaming idea kung saan namin nakuha iyon. Iyong araw ding iyon, nakakuha kami ng balita sa supplier naming meron na silang stock ng isang style ng sapatos na alam naming bebenta kahit ilang dosena pa ang puhunanan namin. Kanina, sa lahat naman ng panahon, nahold up ang asawa ko. May tumawag para sa mga sapatos. Kampanteng pumunta asawa ko sa lugar ng tumawag. Tinutukan daw siya ng baril sa leeg, kinuhanan siya ng anim na pares ng sapatos, pera sa wallet at susi ng kotse. Taranta ako noong tumawag siya. Nakaidlip kami ni Darrell bago siya umalis at noong tumawag siya, nanlambot ang tuhod ko dahil hindi ko alam ang buong pangyayari. Sagsag kami ni Darrell para ibigay sa kanya ang duplicate ng susi ng kotse para makauwi na siya. Napakawalanghiya talaga ng mga tao. Kahit anong buti mo, talagang bibigyan ka ng mga demonyo sa mundo mo para maging demonyo ka rin. Pero, hindi tama. Galit na galit kami pareho sa ginawa sa asawa ko pero, ano ba ang pwede naming gawin kundi mag-abang sa mga newsflash hanggang may mangyari sa lugar na iyon at makita sana ng asawa ko ang litrato noong dalawang hayop na iyon na nakahambalang sa daan, duguan at walang buhay. Alam kong wala na kaming dapat ipanghinayang. Pera lang yon. Sapatos lang yon. Susi lang yon. Hindi nagalusan ang asawa ko. Hihintayin na lang naming bumalik sa kanila ang ginawa nila sa amin dahil alam kong mas matindi ang balik ng karma. Hihintayin ko ang kapalit na swerte nitong trahedyang ito...
2 Comments:
Mabuti naman at walang nangyari sa asawa mo. Importante safe kayo. Ganon talga buhay ngayon... may karma naman sa kanila yan eh. Pray nalang tyo lagi :)
ang tanong nga, kung karma ito sa kanya. hay life...
Post a Comment
<< Home