bertdeyan na naman. this time, si JEROME ang celebrant. 9 years old na yong makulit kong anak na alaga ng pinsan kong anak ng kapatid ng daddy kong namimiss namin.
alam kong malaki ang hirap ng kapatid ng daddy ko lalo na asawa niya kay JEROME. hindi birong palakihin yong kolokoy na yon. pero, tinuring nilang bunso sa pamilya si OJOM ko. nakakataba ng puso kasi, alam kong mahal na mahal siya doon. ang daot lang, siyempre, lumalaki siya, lumalayo naman ang loob sa akin kasi, sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari, hindi siya tinuruan ng mga tamang tao sa family tree niya. nanay nga ako pero, ang sakit isiping nabrainwash siya para maging pabor siya sa pamilyang kasama niya ngayon at balewalain ako. kasalanan ko siguro na pinilit kong makatapos at ginusto ng magulang kong maalagaan siya ng husto kaya nagdecide silang ilagak muna si OJOM doon sa kapatid ni Daddy. ewan ko. may kumukurot sa puso ko tuwing naaalala ko si JOM. sa apat na anak ko, siya lang ang malayo ang loob sa akin. kasalanan ko ba ito? eto siguro ang kaparusahan sa akin dahil hindi ako naging mabuting ina sa kanya. nagtatawa siguro ang langit at lupa sa katangahan kong hayaang palakihin ng ibang tao si JOM.
birthday ni OJOM sa november 5. 9 years na akong nagdudusa na hindi siya kasama sa special day niya. 9 years na akong wala sa buhay ng anak ko. ang sakit...ang sakit-sakit...
isang araw, babangon ako't mandudurog ako ng puso...pipilitin kong pagsama-samahin ang mga anak ko...ang mga extension ng pagkatao ko...ang mga nagbibigay sa akin ng tapang para ituloy ang laban...natural. nanay ako e...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home