8.03.2004

meron ba akong dapat pang isulat dito? sobrang tagal na mula nong huli kong entry dito. kung contest lang ito, kulelat na ako.

for those days that i missed sharing my open-book life to my family and friends, pramis, daming chika, daming kwento. non-ending battle with DARRELL. he is 16 months old and groovying. grabacious ang likot. ang cute non kapag nagmamaktol kasi ayaw ko syang bigyan ng coke. tapos, kapag nagkakalikot ng mga bagay, sabihin mo lang "thank you", ibibigay na sa yo kung anuman ang hawak nya. nanay na nanay naman ako. babaw ko talaga ever. tama na nga tong usap na to tungkol k KULOT, este, KULET.

ika nga ni Bart, ang aking paboritong anak, si LUIS, nako, susmaryosep, muntik akong atakihin sa tuwa nong nagpakita sa webcam!!! naluha naman ako kahit alam kong corny. madalas na syang mag online ngayon mula nong nagkaroon na ng mabilis as in, speed na computer sa bahay. ang nakakatuwa, si TYRONE, showboy ang dating. tamang nagsasayaw pag nakatutok sa kanya ang webcam...sabi na nga ba, me future anak ko sa CHICO's e.

tapos, si JEROME, tinawagan ko rin once. kahit nagdugo ng konti ang aking kapusuuan dahil nagmamadaling ibaba ang telepono(tama ba itoooo???), pinilit ko pa ring kausapin...usual usap. tinanong ko ng mga general questions. feeling ko nga, host ako sa pacontest ng mr. pogi na tipong kapag pangit ang tanong, deadma ka don sa bata.alangan namang magreklamo ako? e alam naman ng lahat na hindi saken lumaki yong bata. pagbigyan, pagbigyan. kapag ako nagwala, ewan ko lang kung me masabi at magawa ang mga walang "K."

sabi ng mga matatanda, isasara na raw tong aking pinagtatrabahuhan. ngayon???? paki ko naman? as if ikamamatay kong wala sila sa buhay ko. pasalamat na rin ako kasi, tumagal sila. nahuthutan ko sila ng pera, ganon. pero, wish ko lang na makuha ko na mga kailangan kong papeles sa abugado ko para naman makagawa ako ng plano. anak ng pitong kuba, halos isang taon na, wala pa rin mga papel na dapat e matagal ko nang hawak. tamaan sana ng tipos mga taong hindi ko kinatutuwa ang mga ginagawa. sama ko ba?

andito nga pala sa kalipornya ang aking mga stepdawters. ang SHALANG MADRASTA, bruha talaga. pero, tingin ko, nice naman ako sa kanila. subukan nilang magmaldita, e di nakapaa silang maglalakad pabalik sa arkansas. one time lang. dumating sila dito ng thursday. balik nil, take note, aug. 13, friday...creepy ba? e ganon e. carry na nila yon. makapal naman mga balat nila e. kaya na nilang kontrahin ang mga superstition. pramis, unang kita ko pa lang sa kanila, ramdam ko nang hindi ko makakasundo yong bunso. bitchy masyado. pero, deadma lang. hindi ko naman kawalan kung mamatay siya sa gutom sa kakaarte ng pagpili ng kakainin or hindi ako gagamit ng credit card para lang sa sapatos na gusto nyang bilhin. naishopping ko na sila ng mga damit nila. ay, grabacious...kung merong dead-hungry sa pagkain(patay-gutom, inang!), sila, dead-hungry sa shopping. clearly deprived of the nice things in life. thankful naman ako sa aking mga blessing kaya deadma na lang kesehodang maubos ang pera ng asawa ko. problema na niyang punan yong ginastos ko para sa mga anak niya. nagmamagaling siyang pagbakasyunin yong mga anak niya, e, di bahala siya. kapag ako, hindi mana lang nakarinig ng thank you (sa pagbili ng mga damit, sa pagpapakain sa amin sa sandaang restaurants, sa pagdala samen sa disneyland, magic mountain, raging waters, etc) bago sila umalis, sasabunutan ko talaga sa kilikili yong mga bruhang stepdawters ko. observe lang ako...ako pa? ang bait-bait ko???

at! ang aking dakilang ina ay nagbabalak ring pumunta dito. yon! sa wakas, pabor na pabor saken kasi, magkakaroon na ako ng sandamukal na duster!!! yehey! at alam kong masinop ang nanay ko sa bahay. e di meron na akong katuwang sa pag-aayos ng bahay. ano ba naman ako, superwoman? pag andito na nanay ko, sigurado, makakakain na naman ako ng sinigang, tortang talong, pancit, lumpiang shanghai....la la la la la la la la...

sa mga pipol na nakikiusyuso sa buhay ng may buhay tulad nila kaye, joy, mama bing, risyeli, ryan, bart, etc etc...
miss ko na kayo at ang ating mga chikahang walang kamatayan, at lalong-lalo na ang ating mga walang puknat na panlalait kay peachy!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home