8.16.2004

o, eto na...as per mama bing's request...

sorry naman sa mga nag-aabalang magbasa ng mga walang kawenta-wentang blogspot na ito kung wala akong chika...eto na nga...

di ba nga bumisita dito ang mga anak ng aking kabiyak? syempre, sa dalawang linggong andon sila sa aking kabahayan, ramdam ko, nadagdagan ng pitong wrinkles ang noo ko at nagtubuan ang aking mga puting buhok! pramis! hindi sa nagmamaganda ako pero naman, kapag hindi ka artistahin, medyo wag kang mag-iinarte kasi wala kang "K." pero, alam nyo naman, ang bait-bait ko at napakapasensyosa kong tao...deadma lang...AS IN! walang kokontra!

all days in july: wala akong ginawa kundi maghanap ng affordable na transpo para sa kanila. mega linis ako ng bahay, pati kwarto na tutulugan nila. naghalf day ako para lang umayos yong bahay para sa kanila. ineroplano na nga namin silang dalawa, may gana pa silang mainis sa airline company kasi, wala raw pinakain sa kanila, wala raw kumot na makapal, wala raw unan...nak ng tipaklong...start pa lang yan...

day 1(7/29): dating sila at dinala namin sila sa hometown buffet (kasi, malay naman namin sa gusto nila). unang kita ko pa lang don sa bunso, alam kong antipatika. sandamukal ang pagkain, nagreklamong hindi siya nabusog. pero, deadma lang ako. isip ko kasi, baka hindi lang niya talaga felt yong pagkain. malay ko ba kung adobe at graba ang pinapalamon sa kanila ng nanay nila?

day 2(7/30): punta kami sa tita ng aking asawa. syempre, excited sila kasi, panahon pa ni limahong nong huli nilang makita yong mga bata. ang reaction: yong 16 years old, ok lang. yong malditang bunsong 15 years old, tinanguan lang yong pobreng mag-asawa at umupo lang sa isang tabi at hindi nakimingle. tama ba naman yon? pero, deadma lang ako. kung ayaw niyang makichika, problema na niya yon. hinintay kong umangal na nagugutom ulit at sasambalelongin ko e...

day 3(7/31): big shopping day. sinamahan ko silang dalawang magshopping. ang plano ko e ibili lang sila ng tigdalawang pares ng damit at bukas ulit ang shopping. nako, pramis, parang nakawala sa kural na halos samsamin lahat ng damit na nakahanger. deadma lang. isip ko, baka walang mga damit na ganon sa kanila. punta kami sa isang hawaiian mala-luau parte' kasama ng tita ni rickey. mga nakaminiskirt at mga nakaputod na blouse. hawaiian party para kang rarampa sa quezon av??? deadma lang. kain ako konting chicken wings at mga kaprutasan, feeling nasa beach. sila? walang ginawa. umupo lang sila, nag-observe at namumulupot sa lamig kasi malapit nga talaga sa beach yong bahay. e di nagngilabot sila sa lamig nong humapon na. uwi na kami syempre. pero, hinto kami sa popeye's chicken kasi, gutom daw sila. galeng no? pagkadating namin don sa bahay ni auntie, kain sila. me reklamo pa rin kasi hindi raw masarap yong hipon don sa popeye's. ano ngayon paki ko? kinagabihan, kausap sa telepono yong nanay. reklamo ng reklamo. ayaw na raw nyang bumalik don sa cerritos kasi, hate daw nya si auntie. tinititigan daw sya. e basagulera kaya sanaya sa rambol. deadma lang ako. bahala siya sa buhay niya.

day 4(8/01): sobrang aga namin umalis pero ang plano ko, punta lang kami sa swap meat, bili lang sila ng mga katsinelasan at kung anong paarte sa buhay. e full parking kaya hanap ako ng shopping center para makashopping sila. akala siguro nila, marami kaming kaperahan sa buhay at nagplano silang magbibili ng mga sapatos pagkatapos ng mga damit. kaya pala nong nagshopping kami, puro damit lang ang binili nila. pagkabili ko ng tig-isang pares ng sapatos, parang gusto kong pag-umpugin dahil nagbabalak nga silang ubusin ang mga kaperahan namin. di bale sana kung mura lang mga gusto...mga tig-$100 yong mga gustong bilhin. nakngpating, e ako nga, $20 na sandals, hindi ko mabili-bili kasi namamahalan ako e. pero sige lang. deadma lang kasi, isip ko, kinabukasan, maghapon akong nasa office. so, marerelax ako.

day 5, 6, 7, 8, 9(8/02-8/06): wala lang. punta lang kung saan-saan. pasyal lang kung saan-saan. syempre, hindi pa rin nawala yong pagrereklamo. ultimo sa lamig ng aircon sa kotse hanggang sa init ng araw. sobrang hanga nga ako sa kanila. hindi sila naubusan ng reklamo. lahat ng bagay, meron silang reklamo. as in, lahat ng bagayyyy. pero, hanga rin ako sa sarili ko. mantakin ninyong natagalan ko ang mga pesteng taong tulad nila?

day 10, 11, 12(8/07-8/09): swimming sa hurricane harbor, pasyal sa disneyland, sakay ng devil rides sa magic mountain. pagkatapos ng lahat, nakarinig pa rin ako ng mga kareklamuhan sa kanila. wala silang kakuntentuhan sa buhay. ika nga, hard to please.

day 13, 14, 15(8/10-8/12): punta sila sa mall, punta sila sa nail salon, punta sila sa shoe stores, punta sila sa naggagawa ng microbraids sa buhok, punta sila sa party, punta sila sa eye doctor para sa mga contact lenses...in short, gastos, gastos, gastos...mga walang katuturan na mga gawain. hindi naman sa naninimbang ako pero, ang alam ko, sa mga bagay na binili namin sa kanila, at sa mga gamit na napasakanila dahil sa amin, dapat, naglulumuhod na sila sa pagsamba sa amin...sa totoo lang, sa buong buhay ko, hindi naging ganyan ka-"giving" ang mga tatay sa mga anak nila, unless ikaw si SHALA. considering na dapat maging sobrang thankful sila sa ginagawa ng tatay nila para sa kanila.

day 16(8/13): araw ng flight nila pabalik sa pinanggalingan. ang mga hitad, iniwan ng eroplano kasi overbooked ang flight. try ulit ng isa pa kinagabihan. katangahan, hindi nila alam na chance passenger lang pala sila. e di iwan ulit sila ng eroplano. kakakulit ni rickey, nabigyan kami ng flight para sa kanila pero, ibang airport...40 miles from us. nako, ang saken lang, basta makalipad sila at mawala sa paningin ko, ayos na ako.

day 17(8/14): sa kahuli-hulihang sandaling kasama nila tatay nila, nag-inarte pa talaga yong bunso. talagang nagmaganda, nagmarakulyo. ang alam ko, ako lang ang may karapatang magmaganda sa mundong ito. tigas din ng mga mukha...mga walang utang na loob. hindi sa nanunumbat ako pero, hindi biro yong ginastos namin sa kanilang dalawa para mag-inarte sila sa ama nila. wag na saken. pero, ibang klase...as in, over to the max ang mga ugali. nang lumipad sila, para akong nabunutan ng bikig sa lalamunan at parang nawala yong nakatusok na kutsilyo sa likod ko. medyo tensyonado pa rin ako dahil sobrang nanggigigil ako talaga sa mga kamalditahan nilang dalawa.

enough of the dramas in life. eto ang una't huling bakasyon nila dito. gustuhin man nilang bumalik, kahit gastos pa nila, hindi na sila pwedeng magmaganda. tapos na ang pagiging mabait ko sa kanila. at tingin ko lang kung hindi magsiikot mga pwet nila pag hindi ako pumayag na magkaroon sila ng allowance tulad dati. mga abusadong anak!

magawi naman ako sa pamilya ko. ang aking peborit na anak, nagkasakit ng ilang araw. nagkasingaw all over...isip ko, baka kasi nde sanay yong balat niya sa imported(joke lang!!!). sabi kasi nya saken, nagkabutlig-butlig siya after nyang sinuot yong jersey na pinadala ko sa kanya e. pero, naisip ko naman na baka me nagsukat nong jersey dito na me chicken pox...hehehehehehehehehehe. pero, pramis, nadurog ng konti puso ko kasi naman, nagkasakit anak ko, wala na naman ako sa tabi niya para ma-spoil ng todo habang may sakit(kunsitidora ako e, bakit ba?).

nagpunta daw ang akingmga kapamilyahan sa Daddy ko. isip ko lang, sa inis siguro non kasi tagal na silang nde nakakadalaw, baka magsalita na yon. miss ko na Daddy ko...ibang-iba na talaga mga istorya ngayon ng buhay...

oh well...ako'y nagwaldas na naman ng kaperahan sa sapatos at sa sari-saring kamaungan at kablousan. wish ko lang...makapagshopping ulit ako...pag nagkapera ulit...partida, lunch break ko lang ang ginamit ko para magshopping ng apat na pares ng sandalyas, apat na maong, at sandosenang blousessss...SHOP-A-HOLIC na kaya ako? kasi, parang ramdam ko, pumuputok na yong mga closet at drawer ko sa bahay sa dami ng damit ko e. pero, i give myself credit for it. kesa mamili ako sa mga mall, mega-suyod akong mga clothing stores. sa isang blouse sa mall, nakakabili ako ng lima. sino ba naman ang mamimintas sa mga damit ko? ika nga...nasa nagdadala yan...at least, gumastos man ako, pera ko at hindi hingi o limos...

o, ayan, nobela-ic na tong update ko. siguro naman, ikakasakit na to ng mata ni mama bing...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home