11.02.2004

napakatagal na panahon na ang nakalipas...bakit ba parang pansin ko lang, nagsusuputan ang mga ex-boylets sa buhay ko(kilig ka naman dyan, pikiks!). ika nga ni chona, PASS IS PASS pero, syempre, nakakairita kasi tamang "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig" ang dating e. pero, knowing shala, nako, natabunan lahat ng mga hurtness kaya ang ending, deadma lang ako. ako pa rin ang nagwagi, betch!

out of the blue, nagsipag-pm saken ang mga super exlachus. tatlo sila, sabay-sabay nakipagchat saken. ang nakakatawa, iba-ibang henerasyon ang mga pinaggalingan.

yong una, perslab kunyari ko iyon. bait naman yon at ang tanda ko, nagmaldita ako kaya naging EKIS siya ever. tsaka, malakas ang impluwensya ng kapaligiran niya sa kanya kaya, parang nagkaiwanan sa ere. married na siya ngayon pero, dahil siguro miss na niya ako, nag-online (hindi naman kakapalan ng mukha!).

yong pangalawa, madiwarang pangyayari, ate chona. grabe pagmamahal ko sa taong yon. kulang na nga lang, mangwasak ako ng pamilya para lang mapasaakin ang ispongklong. ang sobrang demonyita ko talaga kasi, talagang full force naman ang effort ko para maging kami. kulang na nga lang, mag-blood compact kami nito para lang maassure namin sa isa't-isa na kami till the end of time. pero, syempre, ang hindi iyo sa una pa lang, hindi mo maaangkin ever! wishing well ang byuti ni shala pero bumabarimbaw pa rin ang kagandahan kasi, at one point, narealize ko na hindi siya worth it. kamustahan, biruan, barahan, asaran...tulad ng dati. yon nga lang, wala nang lambing sa dulo kahit alam kong nagsisisi siya at pinakawalan niya ako(ang bitter!).

yong pangatlo, nako, kabataan naman. walang future. hindi kahit kailan nagseryoso. tamang boylet lang talaga. puro porma ang nasa utak. feeling artista yon kung manamit. nanliliit nga ako kasi pag kasama ko iyon, parang laging rumarampa sa brand mula ulo hanggang paa. alam kong wlang future pero go pa rin ang lola. sobrang obsessed sa ganda ko iyon pero, porke bata nga, hindi pa kaya ng commitment. ayaw ng responsibilidad. masakit man sa akin, e di chinugi ko ang boyleterns. minsan, naiisip ko pa rin ang mga could've been pero, stable na ako ngayon at kung "kami" ngayon, feeling ko hindi na ako ganon kasocailly active para makijoin sa trip niya sakay ng kanyang expedition na galing sa nanay niya ang gasolina! bow!
ibang klase nga naman ang mga pagkakataon. minsan, napapailing na lang ako. ang dami kong napagdaanan at proud naman ako dahil bonggacious ako ngayon pero, minsan, dumadating ang mga ganitong incidents na nakakabaliw. ako, personally, lumalabas ang dimples ko kapag naiisip ko yong high school-type kilig noon.
buhay nga naman...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home