sino ba si INANG SISANG? isa ang mommy ko sa walo nyang anak. isa ako sa 34 nyang mga apo. apat sila luis, jerome, tyrone at darrell sa napakarami nyang apo sa tuhod. iniisip ko pa kung meron na syang apo sa talampakan. wala pa yata.
hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko pero, ramdam ko, peborit akong apo nyan. peborit kasing anak si mommy at peborit na manugang nyan si daddy. naturally, peborit nyang apo sa tuhod ang aking mga super babies. yabang naman nitong si shala...
"teteng" ang tawag saken ni INANG. minsan, tamang natatawag nya akong "selle." sa kwento ng maraming kamag-anak, malaki ang hirap saken ni INANG. malaking bulas nga ako pero, pramis, nong bata ako, sakitin ako. nagkombulsyon ako one time. naglulupasay si mommy dahil hindi niya alam gagawin niya. hinablot ako ni Inang sa dalawang paa at tinakbo niya ako sa ospital ng hindi magkapares ang tsinelas na suot. ako ang laging saling pusa sa mga lakad nila ni TATANG. madalas kaming pumunta sa Pansol sa laguna. ako ang "sidekick" nong dalawa. lahat ng luho ni teteng, nasusunod kasi, spoiled kay TATANG at INANG. apat na taon ako nong kinuha si TATANG ni Lord. naiwan kong kakampi, si INANG. lagi akong kasama ni INANG sa palengke. enjoy na enjoy naman ako kasi, gandang-ganda saken ang mga tindera ng isda at tagatakal ng asukal. sobrang puri nila sa apo ni "DISONG SISANG." keganda raw ng lahi...
lagi akong nakatanghod kay INANG sa kusina. ako ang tagaabot ng mga rekado ng menudo, ng kare-kare, ng afritada, ng tinolang manok, ng pinakbet, ng sinigang na baboy. sa sobrang pagiging domesticated ni INANG, natuto tuloy ako ng mga gawaing-bahay. sabi kasi ni INANG, ang mga pinagpapala sa buhya, yong mga babaeng marunong sa bahay. siya ang nagturo sakeng maghugas ng plato(the right way!), maglaba (w/ matching palo-palo), magplantsa(w/ matching almirol).
sa ngayon, manhid ang utak ko sa mga pangyayari. birthday ni INANG sa october 29. pero, kahapon, iniwan na niya ang mundong once upon a time ay nagdidiwang ng kanyang super birthdays. 84 years old na si INANG. 85 na sana siya sa October 29.
nagluluksa ang bung angkan ng de guzman sa pagkawala ni INANG. hindi man maramdaman ng buong mundo ang pagmamahal ko sa kanya, alam kong alam niyang mahal na mahal ko siya. lahat ng mga aral, mga values, mga bagay na binigyan niya ng halaga, nakatatak lahat yon sa pagkatao ko. hindi mabubura ang legacy ni INANG kahit kailan. eto ako, living proof na isa siyang napakabuting tao at alam kong marami ang malulungkot sa pagkawala ng lola ko...
NARCISA SANTOS DE GUZMAN
October 29, 1918 - October 16, 2004
in loving memory of her whole clan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home