9.24.2004

i hab a kwistyon...ang mga taong mababait ba nagpupunta sa heaven? for reallll???

naisip ko lang. i read this nice letter from a friend (hindi ako pinayagang ilagay name dito). she was talking about the good old days. tapos, in the middle of reading it, i remembered so many things na nangyari sa akin nong nasa college pa ako. it made me smile. masihare ko lag, kapag may mabuti akong nagagawa sa mundo, lagi naming sinasabi ng mga pwends ko na meron na naman akong star sa langit. naging sobrang reward sa akin yon kaya sobrang na-obsess ako sa pag observe ng mga pinaggagagawa ko sa buhay. turned out na hindi naman pala ako masamang tao. narealize ko na hanggang ngayon, hindi pa rin ako pumapaltos na mag-earn ng bituin sa langit(o di ba, parang napakaseryoso ko).

wala namang kwenta mga pinagsususulat ko dito pero, alam ko, nakakarelate din kayo. minsan, out of the blue, may hihingi ng tulong mo or may mangangailangan ng tulong mo. Isang matandang hindi makatawid sa EDSA or isang batang naghihintay ng tirang french fries sa labas ng Jollibee or isang kamag-anak na nasa ospital at walang magbabantay sa mga bata or isang kapatid na nagpapatulong sa assignment or isang kaibigang nagpapadrive sa makati or isang kapitbahay na kailangan ng mapag-iiwanan sa mga anak. mga taong mahirap hindian, mga taong kahit hindi mo kaano-ano, hindi mo magawang tanggihan. bakit nga kaya no?

pero, take note, meron ding mga taong huwag naman mang-abuso. tulad nong babaeng may bitbit na sanggol(na alam mong high) sa EDSA. tulad ng mga scalper sa labas ng cuneta astrodome. tulad nong kapitbahay mong halos araw-araw nakatambay sa inyo at parang "member of the family" na kasi, may pwesto na siya sa dining area nyo. tulad nong kaklase mong laging nagpapagawa ng project sa yo kasi, wala syang ginawa kundi gumimmick gabi-gabi. tulad nong kaibigan mong tatawag lang sa yo kapag kailangan nya ng transpo. tulad nong kaopisina mong kumpleto ang sweldo kahit dalawang taon nang late pumasok. tulad nong boss mong hindi marunong magbigay ng bonus pag Pasko. tulad nong boypren mong laging walang pera pag nanonood kayo ng sine, sabay sagot mo pati bilyar after. tulad ng tiyuhin mong nangamkam ng lupang inyo. tulad ng lolo mong nagsusubi ng pera kahit yong pera na tinatago e sa tatay mo. di ba, nakakaloka???

moral lesson: sige lang sa paggawa ng mabuti. kahit minsan, feeling mo, inaabuso na kabutihan mo, isipin mo na lang na may isang pumpong bituin ka sa langit--mga stars na kapag madilim ang gabi, magbibigay ng liwanag sa yo para makarating ka sa gimmick na pupuntahan mo... AT! laging tatandaan na ang lahat ng mga ginagawa natin dito sa mundo, monitored sa taas...so, yong mga tulad nating mahirap tumanggi sa ibang tao, siguradong may pondong stars. don sa mga taong walang ginawa kundi mang-isa, ay, lola, pramis, may karma yan! hindi ko na kailangang magwish. automatic na yon sa sistema ng buhay nila. meanwhile, ako'y pupunta muna sa bangko at kukuha ng sandamukal na pera sa vault!

9.04.2004

condolence to the family of one of my TRUE friends...kuya mhyke, as we fondly called him(with an EICH-H baga) bispren AGNES' brother passed away august 26, 2004. he was 29 years old.

in times like, this ika nga, you need a JUICY. i truly feel for agnes. i know she is strong pero, kahit bakal ka, talagang may panahong yuyuko ka to grieve. i apologized to her because i am not good with this thing. nong magkausap kami sa phone and nong magkachat kami sa ym, sinabi ko sa kanya na wala akong alam na sabihin. hindi ako praktisado sa mga ganitong kalamidad sa buhay. isang yakap to comfort a grieving person is the only way i know. kaso, malayo ako kay agnes. i offered prayers for the eternal repose of her brother's soul and for her for more strength. agnes will recover, like each one of us who lost a loved one, a father, a mother, a brother, a sister, a husband, a wife, a boyfriend, a girlfriend but, i know, it takes a lot of courage to finally say GOODBYE.

this reminds me of my Daddy. hanggang ngayon, believe it or not, wala pa akong real grieving time. paminsan-minsan, luluha ako, iiyak, ngangawa dahil meron akong maaalalang sobrang good memories ng Daddy ko. alam ko, nasa denial stage pa rin ako. tipong alam kong wala na siya pero at the back of my mind, alam ko ring kahit pagbali-baliktarin ang mudo, hindi ko matatanggap na wala na siya. mixed emotions. lahat ng sayang nararamdaman ko ngayon, dahil lahat yon sa mga taong nakapaligid sa akin--asawa ko, mga anak ko, mommy ko, mga kapatid ko, inang ko at ibang kamag-anak at kaibigang alam kong walang sawang nagdadasal para lagi pa rin akong strong. maraming-marami akong gustong gawin pero, kulang ang mga resources na hawak ko ngayon. ika nga, hindi pa kayang bumuhay ng pamilya.

sino ba ang hindi nahihirapan sa buhay...feeling ko tuloy, napakareklamador ko. ramdam ko, masyado akong nagseself pity. pero, mas ayos na ako sa ganitong kondisyon. kesa naman magyabang ako, kesa naman magmalaki ako. may mga taong nabubuhay sa ganon. wala akong tutol pero, ang sa akin lang, walang kahihinatnan ang mga taong walang alam gawin kundi maliitin ang mga tao sa paligid nya at maghari-harian o reyna-reynahan at sumakop ng teritoryo.

meron akong pinagdesisyunan noong College pa ako. sa maniwala kayo't sa hindi, marami akong natutunan sa mga taong nakapalibot sa kapatirang tinuturing kong pamilya hanggang sa ngayon. mga simpleng bagay na tumatak sa utak ko. mga simpleng pamantayan sa paghubog ng pagkatao. lalim naman nito masyado. malalim nga, tagos naman sa buto.

hanggang sa muli kasi, kailangan kong magbeauty rest. para glowing ang dyosa pagkagising!