Bakit ba napakaraming uri ng lalaki sa mundo? FAMILIAR BA SILA SA INYO???
THE MODEL HUNK
THE INTELLIGENT CLASSMATE
THE SERIAL WOMANIZER
THE SUGAR DADDY
THE PERFECT BESTFRIEND
THE STAND UP COMEDIAN
THE COOL DUDE
THE CLOSET QUEEN
THE MAMA'S BOY
THE SEX MANIAC
THE USER-FRIENDLY
THE TRUE GENTLEMAN
THE MODEL HUNK -- eto ang tipo ng lalaking kahit san mo isama, panalo ang porma - -mapaschool, mapasimbahan, mapabirthday party ng pamangkin mo, mapadinner with your friends, mapawelcome back party ng boss mo, lagi siyang nakaayos, laging mabango, laging malinis. Kaso, may negative aspect sa ganitong lalaki. FACADE lang nila yong porma nila kasi, promise, pag kinausap mo na about the war in iraq or the economic problems of the world or his opinion on this bestseller book that just came out, matuturn off ka kasi, para kang nakikinig sa contestant ng Ms. Philippines na sumasagot sa tanong ng isang judge. Ang bobo ng lovelife mo dito, walang intellectual stimulation. Purely pangdisplay lang ang kelots na ito.
THE INTELLIGENT CLASSMATE -- eto ang tipo ng lalaking hindi kagwapuhan, hindi mahilig magparty pero, kapag may big project ka, handing magpuyat with you para matapos mo lahat ng aspects ng experiment mo. Ang catch? Pag hindi ka obsessed sa solar system or sa table of elements or sa formula ng algebra, nako, boring ang lovelife mo with this type.
THE SERIAL WOMANIZER -- eto ang tipo ng lalaking kabi-kabila ang girlfriend. Babaero nga e. trip nila sa buhay yong mambola. Napakaraming pambobola ang maririnig mo sa mga lalaking ganito. Iiwan nila asawa nila for you. Hindi na sila nagkikita ng ex niya(pero, kakatext lang sa kanya). Friend lang niya yong nakapulupot sa kanya sa bar kagabi. Pinikot lang siya ng asawa niya. Nagger ang girlfriend nila. Hindi niya mahal ang girlfriend niya. Anak lang niya ang habol niya sa babae. And the list goes on . . .pero, ang nakakaloka, maraming babaeng nahuhulog sa mga ganitong lalaki . . .bakit kamo? CHALLENGE e. Feeling ang haba ng buhok ng babae kasi, akala nila, sila ang nagwagi. Pampalipas oras lang ang gusto nila, breather kumbaga . . .egotrip kasi, kahit attached na sila, may nabobola at may pumapataol pa rin sa kanila. At the end of the day, don pa rin sa girlfriend or sa asawa uuwi ang mga ito. Sad . . .laging mugto ang mata mo every morning.
THE SUGAR DADDY -- eto ang tipo ng lalaking sobrang generous so he can cover his face with his wealth(hindi kasi gwapo, in short, syonget). Pag gusto mong magshopping, megaswipe lang siya ng credit card - parang si Richard Gere sa pretty woman. Pag gusto mong magdinner sa labas, megasundo ka ng driver at nakareserve ang buong restaurant para sa inyong dalawa. Birthday gift niya sa iyo, 2-carat diamond earrings. Overwhelming ang ganitong atensyon. Nakakatakot tumanggap ng ganitong mga luho kasi at the back of your mind, mahirap magbayad ng utang na loob lalo na kung ginagamit mo lang siya for his money, money, money . . .poor daddy!
THE PERFECT BESTFRIEND -- eto ang tipo ng lalaking soulmate ang dating sa buhay mo. Siya ang iniiyakan mo pag may problema ka sa boypren mo. Siya ang nagtatakip sa mga kalokohan mo sa professor mo. Siya rin ang humaharap sa magulang mo pag umuuwi kang lasing. Masarap sana siyang mahalin pero, hindi mo maubos maisip na siya rin ang nakakita ng pagsampal sa iyo ng nanay mo nong umuwi ka one day na may hickey sa leeg. Siya rin ang nakawitness ng pagbagsak ng mga grades mo dahil wala kang tigil sa kakagimmick. In short, hindi ka deserving magkaroon ng lalaking singbait, singpatient, singresponsableng tulad niya. Ang ending, since kilalang kilala mo siya, magiging tulay ka lang for him to find his one true love.
THE STAND UP COMEDIAN -- eto ang tipo ng lalaking walang kyeme sa buhay. Siya ang life of the party. Siya madalas ang "bangka" sa inuman. Maraming naaaliw sa mga kwentong barbero at mga antiques niya. Laging naghahalakhakan ang mga tao sa mga punchlines niya. Ang catch, hindi lahat ng bagay, kinokomedya. Mahirap makipag usap ng seryoso sa mga ganitong tao kasi, para sa kanila, madaling gawan ng paraan lahat ng bagay. Tinatawanan lang nila lahat ng problema -- naghiwalay magulang mo at kelangan mo ng mahihingan ng sama ng loob, dadalhin ka sa paborito mong tapsilogan para nde ka umiyak kasi public place; nawawala kapatid mo sa SM at imbes na ipapage niya sa customer service ang kapatid mo, ibinili ka ng name tag para makilala ka ng mga tao sakaling ikaw ang mawala; may lagnat ka at gusto mo ng TLC, tinawagan ka at ininggit ka kasi nasa beach ang buong barkada . . . masaya nga pag kasama sila pero, sobrang depressing naman isipin na wala silang sensitivity sa buhay.
THE COOL DUDE -- eto ang tipo ng lalaking hinahabol lagi ng crowd. Siya ang nag-uumpisa ng trend sa damit. Siya ang inaabangan ng mga kapwa lalaki sa mga shoe store para malaman nila kung ano ang susunod niyan isusuot na sapatos. Mahilig siyang tumambay sa parking lot ng greenhills at mag-usyuso sa mga pormadong kotse at the same time ipakita kung ano ang nasa ilalim ng hood ng kotse niyang sa sobrang wax, nakakasilaw tingnan. Makikita mo silang laging maraming kasamang posse. Nakakainsecure lang masyado ang ganitong mga lalaki kasi, para ka lang accessory sa kanila -- parang yong blingblings niya.
THE CLOSET QUEEN -- eto yong tipo ng lalaking sobrang up-to-date sa kung ano ang bagay sa iyo. Never siyang nainip kahit tatlong oras ka nang nagsusukat ng sapatos. Lagi ka niyang sinasamahan sa parlor. Sabay kayong nagpapamanicure at pedicure. Singdami ng highlights mo ang highlights niya. Every month kayong nagpaparebond. Lagi niyang bitbit ang orange bag mo. Meron siya laging Kleenex pack sa bulsa niya at meron siyang koleksyon ng lotion sa tokador niya. Danger! Danger! Mas girl pa siya sa iyo, lola. Akala mo, napakasweet ng mga ginagawa niya for you at naoverlook mong mag makembot pa siya sa iyo pag naglalakad kayo . . .
THE MAMA'S BOY -- eto ang tipo ng lalaking never ginabi sa daan dahil bilin ng nanay niya, delikado ang magpagabi sa daan. Di ba??? Laging nakaschedule ang mga panonood ninyo ng sine dahil sinasamahan niya sa grocery or sa doktor or sa bahay ng lola niya ang nanay niya. Hindi ka niya pwedeng sunduin araw araw dahil nagsisimba sila ng nanay niya tuwing Miyerkoles, Biyernes at Linggo. Lahat ng gawin mo, nakadepende sa kung ano ang gusto ng nanay ng boyfriend mo . . . tsk tsk tsk.
THE SEX MANIAC -- eto yong tipo ng lalaking literal na sex addict. Hindi kuntento sa 3 times a day at kahit nasaan kayo, nakachancing ng nakachancing. He can't get enough of you. He might satisfy you in bed, but not all things are based on how horny your partner is. In a way, masarap ang feeling ng obsessed siya sa iyo pero, embarrassing din kapag nakita ka ng madlang people na iika-ika or pagod na pagod at 9:30 in the morning. Lagi ka dapat may red bull sa bedside mo. Physically draining kasi, wala na kayong ginawa kundi yon at yon na lang. When the passion dies down, you'll feel used, abused, taken advantaged of. On he goes to his next victim.
THE USER-FRIENDLY -- eto yong tipo ng lalaking sisipsipin lahat ng kayamanan mo. Siya yong pinakilala sa iyo ng friend mo at nahulog ka sa ganda ng mata or sa tindig or sa jawline. Wala siyang trabaho at hindi pa siya tapos ng Engineering course niya. Nakatira siya sa bahay ng magulang niya or ate or kuya niya. Walang kyeme sa buhay, kahit saan mo ayain, go. Para kang may personal bodyguard kasi nakaalalay lagi sa iyo. Ang hindi mo alam, nagiging clinging vine na siya kasi, nakakagimmick siya at your own expense. Nakakalabas siya ng bahay nila kahit wala siyang pamasahe kasi sinusundo mo siya at hinahatid pa. Sa iyo, you just want to make sure na hindi na siya gagala pa after your gimmick. Sa kanya, free ride lahat kasi, hindi naman siya susustentuhan ng pamilya niya just to watch a concert or to go hang out in a bar or watch a movie or go out of town. Nakakadrain minsan ang ganitong lalaki kasi, wala kang makikitang kahit anong effort for him to help you with anything. Kahit nga yosi, ikaw pa ang bumibili for him e. Mahal na mahal ninyo ang isa't isa pero, ang sakit isiping all this time, ginagamit ka lang niya for your money(na pinaghirapan mong pagtrabahuhan or binigay sa iyo ng daddy mo for you to buy a good bottle of perfume). Mahirap icomprehend kung gaano siya kaseryoso sa iyo pero, ang mga ganitong lalaki, tatagal lang kung marami kang resources. Kapag nawalan ka na ng trabaho, out of depression, ask him for a bottle of beer and a stick of yosi and let's see where he'll get the money to buy them.
THE TRUE GENTLEMAN -- eto yong tipo ng lahat . . . eto yong lagging magaling ang tindig, lagging mabango, lagging malinis, lagging plantsado ang polo at may liston ever ang khaki pants. Siya yong lagi mong tinititigan pag nakatambay ka sa starbucks kasi "bangka" siya lagi sa usapan. Siya rin yong lagi mong nakakasabay sa elevator sa umaga na lagi kang inoorient sa mga bagong developments sa products na ineendorse niyo. Siya din yong boss mo sa department mo. Perfect match sana kayo kung alam niyang obsessed ka sa kanya. Sa sobrang gentleman niya, nagkakamali ka tuloy ng interpretation sa mga gestures niya—pinauna ka lang lumabas ng elevator, pinagbuksan ka lang ng front door ng cafe, inalalayan ka lang nong muntik kang matapilok sa lobby, akala mo, may interest na siya sa iyo. The truth is, he's just a gentleman that's it and that's all. Nakakainis, no? Kung bakit may mga lalaking tulad nito na kung pwede lang gayumahin para mapasaiyo. . .
BUTI AKO, SUMUNOD SA PAYO NG MGA INFLUENTIAL PEOPLE NA ITO:
DJ ALVARO - MAGINOO PERO MEDYO BASTOS
ANDREW E - HUMANAP KA NG PANGET
SAMPAGUITA - NOSI BA LASI
REY VALERA - MAGING SINO KA MAN
SHAORN CUNETA - KAHIY MAPUTI NA ANG BUHOK MO
STEVIE WONDER & PAUL MCCARTNEY - EBONY AND IVORY
CHARLEN - I'VE NEVER BEEN TO ME
LOU RAWLS - YOU'LL NEVER FIND ANOTHER LOVE LIKE MINE
OLETA ADAMS - GET HERE
THE MOMENTS - LOVE ON A TWO-WAY STREET
BILLY PAUL - ME & MRS. JONES
0 Comments:
Post a Comment
<< Home