3.25.2004

napapraning na ako ng todo-todo. bakit kamo? lahat na lang ng pinaghirapan ko, mawawala na lang ng walang kaabog-abog...trabaho ko, bahay na tinutuluyan ko, cellphone ko, computer ko. mababaw ata masyado kaligayahan ko at pati ang mga materyal na bagay ay pinahahalagahan ko. pero, alam ko, importante sila kasi may dahilan. una, yong trabaho ko, don ako kumukuha ng perang panggastos namin ng mga anak ko. sunod, yong bahay, inuupahan namin yong bahay, 2-bedrooms, ok naman. kung hindi ako tinuturing na anak nong may-ari, baka libo-libo ang upa namin doon. tapos, yong cellphone. yon ang bukod-tanging teleponong nagagamit ko pantawag sa mga kokonting kaibigan ko dito at madalas, yon ang gamit kong pantawag sa nanay ko at sa mga anak ko. sunod, yong computer. hindi sa nang-aangkin ako pero, regalo sa akin tapos babawiin. nasanay na mga tao sa pilipinas na online ako 24/7, lalo na nanay kong kahit kailan ako makita, excited pa rin ipa-on ang aking webcam...

ngayon, sabihin nyo nga sa akin kung saan ako naging mababaw???

0 Comments:

Post a Comment

<< Home